<data:blog.pageTitle/>

Sa Simula ng Habangbuhay (At The Beginning of Forever )


Nais ko munang linawin ang isang bagay bago ako magsimula: hindi ko kasal ito ngunit inaasam ko din iyan!

Napapadalas ang paglagay ko ng mga litrato ng mga kasal. Pano ba naman, dalawang kasal ang dinaluhan ko sa pagitan lamang ng dalawang linggo kaya marami akong litrato na gusto ko ipamahagi. Gustong gusto ko itong litratong nakuha ko habang naglalakad ang ikakasal patungo sa mapapangasawa niya. Nais ko sanang makunan siya ng buo ngunit bilang abay, napilitan akong umupo sa may harap ng simbahan. Bagama’t magandang lugar sana iyon para kumuha ng mga litrato, napilitan akong maupo sa may dulo kaya nangailangan akong mag hanap ng anggulo sa mga pagitan ng balikat at ulong nasa harap ko. Hindi ako makapaniwala na na tiyempohan ko ito!

Ito ang aking unang pagsali sa Litratong Pinoy…at sa aking pananaw, tamang tama ang pag simula ko sa bagong meme na ito. Tunay na sa simula pa lamang kami….para sa magasawang ito at para sa akin at ang aking bagong sinalihang meme!

Let me make this clear before I begin: this is not my wedding. Although I wish it was!

I’ve been posting wedding pictures lately because I attended two of them in two weeks, so I’ve got a whole bunch of photos I would love to share. I love this particular shot of the bride as she walked towards her groom. I wanted to get a full shot of her, but as the bridesmaid, I was forced to sit towards the front, which kinda would have been a good place to take photos from, but I was a bit in the back so I had to shoot between heads and shoulders. Nevertheless, I can’t believe I lucked into this shot!

This is my first post to the meme Litratong Pinoy…and I think the theme is a perfect one to start with. Truly at the beginning…for both the bride, and my new found meme.

  • #1
    Posted by Jes on May 7th, 2009 at 11:58 pm

    aw single and available ehhehe =) salamat sa dalaw =)

  • #2
    Posted by Marites on May 8th, 2009 at 2:14 pm

    singe and available din hehehehe!ganyan talaga minsan ang kumuha ng litrato..pabigla-bigla, paswerte-swerte ang kuha :)

  • #3
    Posted by jennyL on May 8th, 2009 at 3:09 pm

    salamat sa pagbisita.. o kala ko ikaw na yang kinasal.. hayaan mo susunod na tayo (tayo daw o hehhe)

    http://jennys-corner.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lamang-just.html

  • #4
    Posted by thess on May 9th, 2009 at 5:28 am

    Siguro kapag ikaw naman ang ikinasal, mag uunahan ang mga taga LP na kunan ka ng litrato :)

    welcome sa LP at kitakits ulit sa susunod na tema!

    btw, I love this shot…kitang kita sa mukha ng bride ang saya!

  • #5
    Posted by Lourdes Espanol on May 27th, 2010 at 11:11 am

    I don’t like weddings that much. I get all sentimental and teary-eyed when I attend one.

Share your opinion! Post your thoughts.

check out my other blogs! Fat Girl No More | Daydream Believer | Teacher Ria | OnADietDaw

Switch to our mobile site