<data:blog.pageTitle/>

Alam Niyo Ba? (Do you know?)


Para sa LP ngayon, naisip ko ibahagi ang isang nakakatuwang nalaman ko noong huling pasukan. Alam niyo ba na hindi pala lahat ng caterpillar (pasensya na, parang di ko sila gamay tawaging uod kaya caterpillar nalang) ay gumagawa ng cocoon na nakasabit sa mga sanga ng puno? Akala ko lahat sila ganun. Ang iba pala ay sumisiksik sa ilalim ng lupa sa ilalim ng mga dahon at doon namamahay hanggang handa na sila maging paro-paro. Tsaka hidndi pala lahat ng cocoon ng isang caterpillar ay hindi malambot parang bulak (ganun ang nakikita ko sa tv e!). Matigas pala siya! Diba nakakatuwa?!? Napulot ko itong caterpillar na ito sa palaruan sa eskwelahang tinuturuan ko. At siyempre, ginawa ko siyang lesson para sa mga studyante ko. Ngayon talagang alam na nila ang ibig sabihin ng metamorphosis!

Ano pa ang alam niyo? Silipin ang mga alam na ng mga ka-LP!

For LP this week, I thought of sharing a fun lesson I learned last school year. Do you know that not all caterpillars spins a cocoon that hangs from a tree or plant limb? Apparently, some of them burrow themselves deeply in the soil under a pile of leaves until they are ready to emerge as butterflies. Also, not all cocoons are soft-cottony like. These ones I had made hard shell-like cocoons. Isn’t that interesting? I picked up this caterpillar in the playground of the school I teach in and of course, I integrated it into my lesson plan. Now I can truly say they know what metamorphosis is!

What else do you now know? See what other LP’s know!

  • #1
    Posted by Miriam on May 28th, 2009 at 11:18 pm

    Ang ganda ng kulay ng caterpillar lalo kapag naging isa na siyang paru-paro.

    Magandang Huwebes ka-LP!

  • #2
    Posted by shykulasa on May 29th, 2009 at 1:40 am

    nakakatuwang pagmasdan pag sila ay naging paruparo na 🙂

    have a nice day!

  • #3
    Posted by Janelle on May 29th, 2009 at 6:30 am

    hmmm… ano kayang klaseng paruparo itong caterpillar niyo? mukhang malaki siya… good luck sa pag-aalaga niyo sa kanya, wag kalimutang palitan ng sariwang dahon para sa pagkain niya 🙂

  • #4
    Posted by Marites on May 29th, 2009 at 8:25 am

    ah ganun ba? Kala ko rin na lahat sila ay nakabitay lang sa mga sanga ng puno. Maligayang LP!

  • #5
    Posted by Ria on May 29th, 2009 at 1:22 pm

    @janelle. actually moth pala siya. i found out much later of course 🙂

  • #6
    Posted by jennyL on May 29th, 2009 at 5:17 pm

    salamat sa impormasyon .. at ang cute nyang tignan!!

    eto po akin
    http://jennys-corner.com/2009/05/lp-alam-mo-ba-do-you-know-that.html

  • #7
    Posted by Mirage on May 30th, 2009 at 12:21 am

    Noong nasa kindergarten ako ang naalala ko na kinukuha namin ng mga kaklase ko parang sigarilyo na brown ang cocoon hehe. Ganda nman ng kulay ni uod…ooopppss. Happy LP!

  • #8
    Posted by PEACHY on May 31st, 2009 at 2:19 am

    salamat sa impormasyon 🙂 pasensya na at huli na ang dalaw

    eto ang sa akin http://mpreyes.blogspot.com/2009/05/lp-59-alam-mo-ba.html

  • #9
    Posted by redamethyst on May 7th, 2010 at 2:35 pm

    ay di ko rin alam yun ah. thanks sa lesson, teacher ria. hehehe

  • #10
    Posted by Lourdes Espanol on May 24th, 2010 at 10:29 am

    Nice info. Added knowledge na naman.

  • #11
    Posted by zoan on May 26th, 2010 at 5:16 pm

    aba hindi ko din alam yun ah ehehe infairness dami talaga matututonan sa isang guro

Share your opinion! Post your thoughts.

check out my other blogs! Fat Girl No More | Daydream Believer | Teacher Ria | OnADietDaw